7,000 na Pinoy na nakakulong sa Sabah, Malaysia, ipapadeport
Pababalikin sa Pilipinas ang nasa 7,000 mga Pinoy na nakakulong sa Sabah, Malaysia dahil sa pagiging undocumented.
Isa ito sa mga napagkasunduan matapos ang dalawang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia.
Sa ulat ng Bernama.com sa Malaysia, sinabi ni Prime Minister Najib Razak na pumayag si Duterte sa hiling niya na maiproseso ang deportation sa 7,000 Filipino illegal immigrants sa Sabah.
Ayon naman kay pangulong Duterte, binigyan ng Malaysian government ang Pilipinas ng pagkakataon na maisaayos ang mga dokumento ng nasabing mga Pinoy.
Aminado din ang pangulo na nakakaawa ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Sabah na ang iba aniya ay walang edukasyon.
Sa datos, aabot sa kalahating milyong Pinoy ang naninirahan sa Sabah at marami sa kanila ay doon na nagkapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.