Duterte at Razak, nagdesisyong huwag munang pag-usapan ang isyu sa Sabah

By Chona Yu November 11, 2016 - 05:03 AM

Rodrigo-Duterte-with-Najib-Razak-in-Malaysia-Nov-2016Putrajaya, Malaysia – Natalakay sa expanded bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Najib Razak sa Perdana Square dito sa Putrajaya, Malaysia ang usapin sa isyu ng Sabah na pilit na inaangkin ng Sultanate ng Sulu.

Pero ayon kay Foreign Affairs Secretay Perfecto Yasay, pahapyaw lamang ang pagkakabanggit dito ni Najib.

Katunayan aniya ay nagkasundo ang dalawang lider na isantabi muna ang usapin sa Sabah, dahil masyado umanong kumplikado ang isyu.

Bukod sa Sabah, natalakay din ng dalawang lider ang pagpapakalas ng relasyon ng dalawang bansa, pamumuhunan at seguridad.

Idinagdag pa ni Yasay na napag- usapan din ang peace process para sa kamindanawan at nagpahayag aniya ng kahandaan ang malaysian government na magsilbing facilitator o adviser para sa usapang pangkapayapaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.