Pag-aabroad ng mga Pinoy, nais tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte
Putrajaya, Malaysia – Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang pangingibang bayan ng mga Filipino.
Sa talumpati ng pangulo sa Filipino community sa Kuala Lumpur sa Malaysia, inilahad niya ang kanyang plano na mabigyan ng livelihood o maaaring pagkakitaan ang mga Pilipinong nahahanay sa tinatawag na poorest of the poor.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, kanyang isusulong ang small and medium scale entrepreneurship upang makalikha ng trabaho.
Pagbibigay diin ng presidente, kailangang umunlad talaga ang bansa sa harap ng pagnanais niyang mas kaaya-ayang lugar para sa kanyang mga kababayan.
Aminado naman ang pangulo na hindi pa talaga maayos ang daang kinakaharap ng mga Pilipino at nagsisimula pa lamang siya upang maipagkaluob ang klase ng buhay para sa bawat isa.
Ginarantiya din ng punong ehekutibo na tatapusin ang korupisyon na aniyay humihila sa pag- unlad at nagpapahirap sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.