Ethics case laban sa ama ni Sec. Andanar, binawi ng Ombudsman

By Kabie Aenlle November 11, 2016 - 04:47 AM

ombudsmanBinawi ng mga prosecutors ng Office of the Ombudsman ang ethics case laban kay dating Interior Usec. Wencelito Andanar, na ama ni Communications Sec. Martin Andanar na nakabinbin pa sa Sandiganbayan kaugnay sa hindi umano niya pagdedeklara ng isang ari-arian sa kaniyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Nakasuhan si Andanar ng dalawang counts ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil dito.

Pero ngayon ay inabisuhan ng Office of the Special Prosecutor ang Sandiganbayan Seventh Division na pinagbigyan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang motion for reconsideration ni Andanar na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng probable cause.

Kinilala kasi ni Morales ang katwiran ni Andanar na sa ilalim ng 1999 Waiver of Rights Agreement, lahat ng kaniyang mga ari-arian ay nailipat na sa pag-aari ng kaniyang limang mga anak.

Dahil dito, nabigyang katwiran aniya ni Andanar kung bakit hindi niya idineklara ang nasabing ari-arian sa kaniyang 2004 at 2005 SALNs, at hindi rin niya nalabag ang Section 8 ng Republic Act 6713.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.