Pangulong Duterte, nakabalik na sa bansa mula sa Malaysia
Dumating na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa dalawang araw na state visit sa malaysia, at sandaling pagbibigay respeto sa royal family sa Thailand dahil sa pagpanaw ni King Bhumibol Adulyadej.
Ganap na alas-3:50 ng madaling araw dumating si pangulong duterte sa Davao City.
Humarap si Pangulong Duterte sa media na naghihintay sa kaniyang pagbalik, kung saan inihayag niya sa kaniyang talumpati ang mga resulta ng kaniyang pagbisita sa Malaysia.
Pagkatapos niyang ibigay ang kaniyang talumpati, sinagot ni pangulong duterte ang mga katanungan ng media tungkol sa mga isyung natalakay sa kaniyang state visit.
Nabanggit ni Duterte ang pagsusulong niya ng mas matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Malaysia.
Kabilang rin sa mga tinalakay ni Duterte sa media ay ang pagpapatuloy ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pati na ang inaasahang magiging lagay ng relasyon ng Pilipinas sa Amerika ngayong si Donald Trump ang nanalong bagong pangulo.
Natapos ang kaniyang panayam sa media ganap na alas-4:32 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.