Isa sa mga suspek sa Davao City bombing, sumuko

By Ruel Perez November 10, 2016 - 01:21 PM

Davao City bombing suspect Jerico Javier De Roma
Davao City bombing suspect Jerico Javier De Roma

Isa sa mga suspect sa Davao City bombing ang sumuko sa militar at sa Philippine National Police (PNP) kaninang alas 5:30 ng umaga.

Kinilala ni Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army ang sumukong suspek na si Jerico Javier De Roma alias Kokoy.

Si De Roma ay miyembro ng Dawlah Islamiyah Fi Lanao-Cotabato Chapter ng Maute Terror Group.

Ang suspek ay 25-anyos at residente ng Mandanas Compound, Cotabato City.

Si De Roma umano ang naging driver ng grupo na nagpasabog ng bomba sa Davao City night market noong September 2 na ikinamatay ng labinglimang katao at ikinasugat ng 70 iba pa.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ARMM ang suspek.

Noong nakaraang buwan, naaresto ang tatlong pangunahing suspek sa nasabing pagpapasabog.

Kabilang sa mga naaresto si TJ Tagadaya Macabalang alyas Abu Tufael – ang triggerman na siyang pumindot para sumabog ang bomba, ang bomb courier na si Wendel Facturan at ang nag-dokumento ng pangyayari na si Musali Mustapha.

 

TAGS: davao city bombing, Davao City night market, suspect, davao city bombing, Davao City night market, suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.