Dahil sa patuloy na pagbaba ng temperatura sa Baguio City, publiko pinag-iingat sa sakit ng DOH
Nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa Cordillera lalo na sa mga pupunta sa Baguio City at lalawigan ng Benguet na magsuot ng makakapal na damit.
Ito ay matapos ang dalawang magkasunod temperatura sa Baguio City.
Kaninang umaga, bumaba sa 13.0 degrees Celsius na lamang ang namonitor na temperatura ng PAGASA sa nasabing lungsod.
Ayon sa DOH, mainam na magsuot ng makakapal na jacket lalo na sa umaga at sa pagsapit ng gabi dahil dito karaniwang bumababa ang temperatura.
Paliwanag ng ahensya, ito ay para maiwasan ang anumang sakit dulot ng malamig na panahon, gaya ng sipon, at hypothermia.
Sa mga susunod araw ay inaasahang lalo pang bababa ang temperatura sa lungsod ng Baguio pati lalawigan ng Benguet, partikular sa Atok, Benguet at sa Mt. Pulag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.