Mga botante sa Amerika, parang mga botanteng Pinoy lang, naghangad ng bago o naiiba

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2016 - 08:44 AM

Donald Trump Mistulang naganap sa Amerika ang nangyari sa Pilipinas noong 2016 elections, kung kailan nahalal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Prof. Clarita Carlos, isang political analyst, gaya ng mga Pilipino, ang mga botante sa Amerika ay maaring nagsawa na rin at naghangad ng pagbabago o bagong mamumuno.

Sinabi ni Carlos na hindi lamang naman sa Pilipinas o Amerika, kundi halos sa buong mundo ay naghahangad na ng pagbabago ang mga tao sa larangan ng pulitika.

“Parang tayo lang siguro, nainis na tayo, we wanted somebody new, fresh air, all over the world ganyan naman,” ani Carlos sa panayamn ng Radyo Inquirer.

Posible naman ayon kay Carlos na mapabuti pa sa Pilipinas ang pagkakahalal kay Trump lalo pa at ang bagong presidente ng Amerika at si Pangulong Durterte ay parehong diretsong magsalita at walang arte.

Hindi rin naman aniya basta maaring balewalain na lang ng magiging bagong pamahalaan ng Amerika ang mga umiiral nang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US gaya ng Mutual Defense Treaty at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa kabila naman ng tila pagkukumpara ng nakararami kina Trump at Duterte, sinabi ni Carlos na incomparable ang dalawang lider.

Aniya, si Trump ay bago sa pamamahala ng bansa dahil wala itong karanasan sa government service.

Hindi gaya ni Duterte na napakatagal na panahon na naging alkalde kaya malawak ang karanasan sa ehekutibo.

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, EDCA, political news, Rodrigo Duterte, US elections, US PH relationship, donald trump, EDCA, political news, Rodrigo Duterte, US elections, US PH relationship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.