Mga opisyal at tauhan ng CIDG haharap sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa Sr.

By Dona Dominguez-Cargullo November 10, 2016 - 06:36 AM

INQUIRER PHOTO/ROBERT DEJON
INQUIRER PHOTO/ROBERT DEJON

Sisimulan na ngayong umaga ang pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sisipot sa Senado ang team ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsilbi ng search warrant kay Espinosa noong Sabado ng madaling araw na nauwi sa pagkamatay ng alkalde.

Ang pagdinig ay pangungunahan ng Public Order and Dangerous Drugs Committee ng Senado at ng Committee on Justice and Human Rights na mag-uumpisa alas 9:00 ng umaga.

Una nang sinabi ni Public Order and Dangerous Drugs Committee chairman, Senator Panfilo Lacson na kaduda-duda ang naging operasyon ng CIDG noong Sabado sa selda ni Espinosa.

Sinabi rin ng senador na mistulang palpak ang pagkakasulat ng script ng mga otoridad.

 

 

 

 

TAGS: drugs, investigation, Rolando Espinosa Sr, senate hearing, drugs, investigation, Rolando Espinosa Sr, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.