Polling center sa Azusa, California, isinara dahil sa insidente ng pamamaril; 1 ang patay

November 09, 2016 - 08:19 AM

City of AzusaNagpatupad ng lockdown sa polling center sa Azusa, California matapos na may maganap na pamamaril na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay Los Angeles County Fire Inspector Gustavo Medina, ang isang biktima ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Sinabi ni Azusa police Officer Jerry Willison isang hindi pa nakilalang suspek ang namaril sa lugar.

Isa sa mga testigong botante ang nagsabi na nakarinig siya ng magkakasunod na putok at ang mga tao ay bigla na lamgn nagsigawan at nagtakbuhan.

Ilan umano sa mga botante ang nagsabi na nakita nila ang isang lalaking nakasuot ng bulletproof cest at puting t-shirt.

Isinara muna ang voting center at binibigyang seguridad ang mga botanteng nasa loob.

Hindi muna umano sila hinahayaang lumabas sa voting center habang may mga otoridad nang nagsasagawa ng imbestigasyon at pag-galugad sa paligid.

 

 

TAGS: breaking news, California, City of Azusa, polling center, US elections, breaking news, California, City of Azusa, polling center, US elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.