2 pulis, kausap pa ni Mayor Espinosa sa selda bago ito napatay

By Jay Dones November 09, 2016 - 04:36 AM

 

Inquirer file photo

Bago nabaril si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., dalawang pulis pa na bahagi ng raiding team ang pumasok sa loob ng selda nito at kinausap pa ang alkalde.

Ito ang lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Provincial Internal Affairs Service ng PNP na nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga kaganapan bago ang pagkamatay ni Mayor Espinosa at kapwa nito bilanggo na si Raul Yap.

Pinalipat din ang mga inmate na nasa loob ng katabing selda sa ibang detention room bago umalingawngaw ang sunud-sunod na putok sa loob ng kulungan ni mayor Espinosa at Yap.

Dahil sa naturang findings, mistulang kinokontra nito ang naunang pahayag ng mga tauhan ng raiding team ng CIDG-region 8 na nanlaban at nagtangkang magpaputok ng baril ng alkalde kaya’t kanila na itong binaril.

Batay pa rin sa imbestigasyon, dumating ang raiding team dakong alas 3:20 ng umaga, Sabado.

Nang tangkang bubuksan ng isang jail guard ang pintuan ng sub-provincial jail, agad umanong nagpumilit pumasok ang mga pulis at dinisarmahan ang mga jail guard at pulis na nagbabantay bago pinaluhod at pinaharap sa pader.

Agad nagtungo ang isang grupo ng raiding team sa sa ‘cell number 1’ kung saan nakadetine si Espinosa at ‘cell 7’ kung saan naroroon si Yap.

Nang mailipat na ang ilang detainees na kasama ni Yap sa ibang selda, nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok ang mga inmates makalipas ang ilang minuto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.