Mga paglabag sa human rights noong martial law, hindi matatabunan ng Marcos burial – CHR

By Kabie Aenlle November 09, 2016 - 04:40 AM

 

Gascon-chrSa kabila ng desisyon ng Supreme Court (SC) na pag-pabor sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) na hindi nito mababago ang katotohanan sa mga naging paglabag sa karapatang pantao noong kasagsagan ng martial law.

Sa inilabas na pahayag ng CHR, sinabi naman nila na inirerespeto nila ang naging desisyon ng SC kaugnay ng Marcos burial.

Gayunman, iginiit ng CHR na hindi nito kayang burahin ang katotohanan tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao na naganap noong Martial Law, at na patuloy pa rin ang kanilang pananawagan ng hustisya para sa mga nabiktima nito.

“We nonetheless affirm that the [decision] does not and cannot erase the uncontroverted fact of impunity for human rights violations committed during Martial Law that continues to demand justice, as has also been previously adjudicated and resolved with finality by the Honorable Supreme Court itself in numerous cases,” nakasaad sa pahayag ng CHR.

Naninindigan rin ang komisyon na dapat patuloy na punan ng pamahalaan ang obligasyon nitong reparation at recognition sa mga naging biktima ng human rights violations noong Martial Law, kahit pa ganito ang naging desisyon ng SC.

Naniniwala naman ang CHR na dapat manatiling matibay ang paninindigan ng mga Pilipino para sa kanilang mga karapatan, at tiyakin ang kanilang kalayaan at ang pagpapairal ng batas sa lahat ng oras.

Ito anila ang magpapatatag at mapag-iisa sa mga mamamayang Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.