19 na pulis na sangkot sa raid sa selda ni Mayor Espinosa at Yap, pinangalanan
Pinangalanan na ng DILG ang mga pulis na pinaiimbestigahan nila sa PNP Internal Affairs Service sa pagkakasangkot sa pagsisilbi ng search warrant kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Raul Yap.
Ayon kay DILG Sec Mike Sueno, 13 dito ay mula sa CIDG Region 8 at 6 naman mula sa Regional Maritime Unit Region 8.
Kabilang sa 13 CIDG-Region 8 personnel na isasalang sa imbestigasyon ng PNP IAS ay sina:
P/Supt. Santi Noel G. Matira, Designated Supervisor;
P/Chief Insp. Leo D. Laraga, Team Leader;
PSInsp. Deogracias Diaz III, Assistant Team Leader;
P/SInsp. Fritz Blanco, Asst. Team Leader;
SPO4 Juanito Duarte;
SPO4 Melvin Cayobit;
SPO2 Benjamin Dacallos;
SPO2 Alphinor Serrano Jr.;
PO3 Jhonny Ibanez;
PO3 Norman Abellanosa;
PO1 Bernard Orpilla;
PO1 Lloyd Ortiguesa;
PO1 Jerlan Cabiyaan.
Samantala, kinilala naman ang 6 mula sa Regional Maritime Unit 8 na sina:
PChief Insp. Calixto C. Canillas, Team Leader;
P/SInsp. Lucrecito A. Candilosas, Asst. Team Leader;
SPO2 Antonio R. Docil;
SPO1 Mark Christian C. Cadilo;
PO2 Jhon Ruel Ducolan;
PO2 Jaime P. Bacsal
Kaugnay nito, pinag-iisipan din ng DILG na paimbestigahan ang hepe ng Maritime Group Region 8 dahil na rin sa kwestyunableng partisipasyon ng grupo sa pagsisilbi ng search warrant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.