Robredo kumpiyansa na hindi malalaglag bilang pangalawang pangulo
Kumpiyansa pa rin si Vice President Leni Robredo na ibabasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang electoral protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos sa resulta ng nakaraang vice presidential election.
Sa kabila ito ng balitang may nagpaluwal ng malaking halaga kapalit ng paborableng desisyon sa kaso ng Marcos burial at sa electoral protest ni Bongbong.
Ayon kay Robredo, nakarating sa kanya ang ulat na nakapakete na ang dalawang kaso pero nananatili aniyang positibo ang kanyang pananaw dito at buo ang paniniwala na ang tama pa rin ang mangingibabaw sa huli.
Bukod dito, naipaliwanag na ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso na kinukuwestiyon ng dating senador.
Dahil dito nanawagan si Robredo na huwag pangunahan ang Korte Suprema.
Samantala, mananatili aniya ang kanyang malakas na pagtutol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.