SC: Walang legal na basehan ang pagharang na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani si Marcos
Ipinaliwanag ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te na sa botong 9-5 ay tuluyan nang ibinasura ng Mataas na hukuman ang mga petisyon kaugnay sa hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kabilang sa siyam na mga bumoto pabor sa pagbasura sa petisyon ay sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de castro, Jose Mendoza at Estela Perlas-Bernabe.
Ang limang mahistrado naman na pumabor sa inihaing mga petisyon ay sina Chief Justice Maria Lordes Serreno, kasama sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Justices Marvic Leonen, Francis Jardaleza at Alfredo Benjamin Caguioa.
Sinabi ng Mataas na Hukluman na walang legal basis ang pagharang sa naging executive order na nagbibigay kautusan para sa hero’s burial kay Marcos.
“ There is no clear constitutional or legal basis to hold that there was grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction which would justify the Court to interpose its authority to check and override an act entrusted to the judgment of another branch”.
Hindi rin umano dapat matali si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang kasunduan na pinasok ng mag nakalipas na administrasyon tulad ng kasunduan noong 1992 sa pagitan ni dating Pangulong Fidel Ramos at pamilya Marcos.
Paliwanag ng Mataas na Hukuman, “Duterte is not bound by the 1992 agreement between the Marcos family and former President Fidel Ramos which provides that the Marcos remains will be interred in Batac, Ilocos Norte”.
Sa nasabing kasunduan ay nagkaisa ang magkabilang panig na sa bayan ng Batac sa Ilocos Norte na lamang ilibing ang dating strongman.
Ipinaliwanag rin ng Supreme Court sa inilabas na desisyon na inihiwalay nila ang ma isyu ng human rights complaints sa tunay na panuntunan para sa paglilibing sa Libingan ng mga Bayani.
“As the incumbent, President Duterte is free to amend, revoke or rescind political agreements entered into by his predecessors and to determine policies which he considers, based on informed judgment and presumed wisdom, will be most effective in carrying out his mandate”, ayon sa desisyon ng Supreme Court.
Binigyang bigat ng hukuman na si Marcos ay naging pangulo ng bansa, naging kalihim ng Depatment of National Defense, naging Senate President, naging sundalo na lumaban noong World War II at isang medal of valor awardee.
Sinabi ni Te na tumagal ang debate ng mga Mahistrado sa isyu ng qualifications ng mga taong dapat ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.