Poe handang magsakripisyo, ganun din si Escudero

August 04, 2015 - 08:10 PM

1 grace n chizNagpahiwatig si Senador Grace Poe na maaari siyang mag slide down at maging vice presidential candidate sa 2016 elections.

Pero agad namang nilinaw ni Poe na wala siyang natatanggap na pormal na alok mula sa Liberal Party para maging running mate ni Interior Secretary Mar Roxas bagaman ito ang hayagang panawagan ng ilang mga kilalang kasapi sa Liberal Party.

Paliwanag ni Poe, lahat ay maaring magsakripisyo para sa ikagaganda at ikauunlad ng bansa.

Kung handang magsakripisyo si Poe ay ganun din si Senador Francis Escudero.

Ani Escudero, handa siyang umatras sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo kung magpapasya ang kanyang matalik na kaibigan na si Senador Grace Poe na tumakbo sa parehong posisyon.

Ayon kay Escudero, handa siyang suportahan ang anumang desisyon ni Poe gaya nang ginawa niya noong 2004 nang suportahan niya ang ama ng senadora na si Fernando Poe Jr.

Pagtitiyak ni Escudero, hindi sila magkakabangga ni Poe sa iisang posisyon kahit na ano man ang mangyari.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Escudero na may pag uusap na ang kampo nila ni Poe sa Nationalist Peoples Coalition.

Binigyang diin ni Escudero na wala pa naman silang pinal na pasya ng senadora./Chona Yu

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.