Gobyerno aminadaong naghahabol para tulungan ang mga biktima ng “Yolanda”
Sa ikatlong taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa malaking bahagi ng Visayas region ay tiniyak ng pamahalaan ang mas pinabilis na tulong para sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kasalukuyang bumabalangkas ang mga ahensya ng pamahalaan ng isang mekanismo para sa mabilis na tulong sa mga biktima ng trahedya.
Ipinaliwanag ni Abella na kabilang dito ang mga bagong guidelines para sa mabilis na pagbibigay ng employment shelter assistance na magagamit rin sa agarang pagbibigay ng mga dagdag pang tulong.
Nauna nang sinabi ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na umaabot pa sa 200,000 na mga Yolanda survivors ang hindi nakatatanggap ng mga emergency shelters o tirahan.
Ito umano ang kanilang prayoridad sa kasalukuyan para mailayo ang mga ito sa panibagong banta ng kapahamakan sakaling muling dumaan sa bansa ang isang malakas na bagyo tulad ng Yolanda.
Personal namang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alala sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda tatlong taon na ang nakalilipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.