Maging si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ay umaasa na makukumbinsi ng partido si Senador Grace Poe na maging katambal ni Secretary Mar Roxas para sa nalalapit na 2016 Presidential Elections.
Umaasa si Robredo na magkakaroon ng magandang bunga ang mga pakikipagusap ng kanilang partido kay Poe upang mapalakas ang kowalisyon ng administrasyon at mapag-isa kanilang mga adhikain.
Paliwanag ng mambabatas, dapat isantabi muna ang mga personal na ambisyon ng mga nagnanais na tumakbo sa pampanguluhang eleksyon at isaalang-alang ang kapakanan ng taumbayan.
Paniniwala pa nito, magandang ehemplo ang ginawa ni Sec. Mar Roxas noong 2010 nang isantabi nito ang kanyang presidential ambition at bigyang daan ang pagtakbo ni Pangulong Noynoy Aquino.
Madidismaya din siya aniya kung sakaling magpasya ring tumakbo sa Poe sa halip na tumambal kay Roxas.
“Ako palagay ko yung example na ipinakita ni Sec. Mar noong 2010, dapat maging example yun para sa ating lahat na over and above personal ambition, na para sa bayan pa rin ang mahalaga.” paliwanag ni Robredo.
Samantala, ayon pa rin kay Robredo, hindi naman siya pormal na kinakausap ng sinuman sa kanilang partido para tumakbo bilang bise presidente. “It’s not my option right now, ” ani Robredo.- Jong Manlapaz/Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.