Empleyado ng DOTr na tatanggap ng regalo sa Pasko, sisibakin

By Kabie Aenlle November 08, 2016 - 04:27 AM

 

christmas giftsBinalaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga opisyal at empleyado ng kaniyang kagawaran na sisibakin ang mga ito sa trabaho oras na mahuli silang tumatanggap ng mga regalo mula sa mga government contractors ngayong holiday season.

Ayon kay Tugade, pinaalalahanan niya ang mga empleyado tungkol sa batas na nagbabawal sa kanilang tumanggap o humingi ng mga regalo mula sa mga indibidwal o taong posibleng maging suppliers.

Hihigpitan aniya nila ang pagpapatupad ng ethics ng Department of Transportation (DOTr) upang matiyak na hindi mababahiran ang imahe ng kagawaran.

Apela niya sa mga empleyadong kaniyang hinarap sa flag-raising ceremony kahapon, tanggihan ang anumang regalong ibibigay sa kanila ngayong Pasko.

Ani pa Tugade, malalaman niya rin kung sino ang mga tatanggap ng mga regalo mula sa mga government contractors sa loob man ng opisina, sa parking lot o maging sa bahay ng empleyado.

Wala aniya siyang patatawarin sa mga hindi susunod sa kaniyang utos, at tinakot niya pa ang mga ito ng agarang pagkakasibak sa trabaho alinsunod na rin sa mga umiiral na batas sa pamahalaan tulad ng Presidential Decree No. 46, s. 1972 o ang “Making it Punishable to Receive, and for Private Persons to Give Gifts on Any Occasion, Including Christmas.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.