Dating PNP Chief Leonardo Espina, idinawit sa drug trade ng napatay na si Mayor Rolando Espinosa Sr.

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2016 - 08:22 AM

espina1 (1)Kabilang si dating Philippine National Police Chief Leonardo Espina sa mga idinawit ng napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng hepe ng Albuera Police Station na si Chief Inspector Jovie Espenido, binanggit ng napatay na mayor ang isang Victor Espina sa kaniyang affidavit.

Si Victor Espina ay brother-in-law o bayaw ni dating PNP Chief Leonardo Espina.

Tinukoy umano ni Espinosa na si Victor ay bagman ng dating PNP chief.

Pero ayon kay Espenido, na kay Kerwin Espinosa pa rin ang susi sa lahat ng impormasyon.

Tanging si Kerwin aniya ang makapagsasabi at makapagkukumpirma kung talagang ang kita sa drug trade sa Eastern Visayas ay nakararating mismo kay Leonardo Espina.

 

 

 

TAGS: Albuera Leyte, breaking news, drugs, eastern visayas, former PNP Chief, Leonardo Espina, PNP, rolando espinosa, Albuera Leyte, breaking news, drugs, eastern visayas, former PNP Chief, Leonardo Espina, PNP, rolando espinosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.