De Lima, itinuturo ni Aguirre sa pagkasawi ni Espinosa at iba pa

By Kabie Aenlle November 07, 2016 - 04:46 AM

 

File photo

Isang araw matapos ang pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng piitan sa Leyte, iniuugnay agad ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Sen. Leila de Lima sa naturang kaso.

Sa isang panayam ay sinabi ni Aguirre na mayroong “common denominator” sa mga kaso ng pagkasawi nina Espinosa, ng isang pulis sa Cebu na umano’y nagsiwalat ng pagkakasangkot ng mga narco-generals at ng drug convict na si Tony Co sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito aniya ay si De Lima, na kabilang rin sa mga idinawit ni Espinosa sa listahang kaniyang isiniwalat na umano’y sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Iginiit ni Aguirre na si De Lima mismo ang nangunguna sa affidavit na inilabas ni Espinosa bilang protektor ng mga drug lords.

Dagdag ni Aguirre, bagaman Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nakapatay kay Espinosa dahil sa umano’y panglalaban nito, maari talagang nagpapagamit ang ilang mga pulis upang patahimikin ang mga nagsisiwalat ng ganitong impormasyon.

Noong Sabado ng umaga napatay ng mga operatiba ng CIDG-Region 8 si Espinosa pati na ang isa pang drug suspect na preso rin sa Baybay. Leyte Sub-Provincial Jail, matapos umanong mang-laban.

Naroon ang CIDG sa piitan ni Espinosa upang mag-silbi sana ng search warrants, ngunit pinaputukan agad umano ng dalawa ang mga pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.