Ex-Pres. Noynoy, Mar Roxas, present sa ‘Pray for Eight’ concert sa Luneta

By Isa Avendaño-Umali November 06, 2016 - 07:15 PM

 

Mula sa FB/Kiko Pangilinan

Dumagsa ang iba’t ibang grupo sa Luneta Park para ipanawagan sa Korte Suprema na tuluyang ibasura ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani o LNMB.

Kabilang sa mga dumalo sa #PrayForEight concert ay sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DILG Secretary Mar Roxas, bagong Liberal Party Presidente na si Senador Francis Pangilinan at iba pang mga kaalyado nila.

Bitbit ng mga nakibahagi sa pagtitipon ang mga banner na ‘Never again, never forget!’, ‘No honor for a Dictator’, ‘Marcos is no hero!’ at marami pang iba.

Sa naturang concert, na ginawa sa Lapu-Lapu Monument sa Luneta Park, nagtanghal ang iba’t ibang mga personalidad at performers gaya nina Noel Cabangon, Jim Paredes, Bayang Barrios, Cookie Chua at iba pa.

Tinawag na #PrayForEight ang concert dahil hangad nito na magkaroon ng walong boto mula sa mga mahistrado ng Mataas na Hukuman, pabor sa mga petisyon na humahadlang sa hero’s burial para kay dating Presidente Marcos.

Sa November 8, 2016 ay inaasahang maglalabas ng pasya ang Suprema Court kung matutuloy ba o hindi ang paglilibing sa mga labi ni Marcos sa LNMB.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.