Sen. Pacquiao, nagtamo ng malaking biyak sa ulo sanhi ng laban
Nagkampeon man si Filipino Boxing Icon at Senador Manny Pacquiao kontra Jessie Vargas, hindi pa rin naiwasan ang pagkakaroon ng ilang injury mula sa laban.
Ayon kay Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, 16 stitches ang kinailangan para sa sugat sa may ulo ng pambansang kamao.
Nakuha ni Pacman ang injury sa round 12 ng kanilang bakbakan ni Vargas.
Dahil dito, hindi nakaharap si Pacquiao sa post-fight press conference.
Nakamit ni Pacman ang WBO welterweight championship, na kauna-unahang titulo ng boxing champ mula nang mahalal siya bilang Senador ng Pilipinas.
Samantala, walang problema kay Pacquiao kung magkaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather Jr.
Pero sa ngayon aniya, ayaw muna niyang pabayaan ang kanyang tungkulin bilang Senador dahil nakakahiya raw sa mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.