Matapos ang serye o linggu-linggong price hike, makakatikim ng kaunting ginhawa ang mga motorista dahil sa nakaambang rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo.
Batay sa oil industry, nasa 90 centavos hanggang one peso (P1.00) kada litro ang kaltas sa diesel.
70 hanggang 80 centavos naman ang tapyas sa bawat litro ng gasolina, habang one peso (P1.00) hanggang one peso and 20 centavos (P1.20) ang bawas sa kada litro ng kerosene.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang anunsyo ng mga kumpanya ng langis hinggil sa price rollback at kung kailan ito magiging epektibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.