Halos 300 katao, patay sa pag-ulan at pagbaha sa Mynmar, India at Pakistan

August 04, 2015 - 09:10 AM

 

From India TV
Mula sa India TV

Halos tatlong daang katao na ang nasawi dahil sa pag-ulan at pagbahang dulot ng habagad India, Pakistan at Myanmar.

Sa India, mahigit 120 na katao na ang nasawi sa ilang araw nang pag-ulan habang mahigit isang milyon na ang inilikas dahil sa matinding pagbaha.

May naitala ring landslide sa northeastern state ng Manipur at may mga natabunang residente.

Sa kalapit na bansang Myanmar, malakas na pagbuhos ng ulan din ang nararanasan sa nakalipas na ilang araw, at nasa 46 na ang nasawi. Mahigit 200,000 naman ang naitalang apektado ng pagbaha na sa ilang lugar ay umabot sa rooftop ng mga bahay ang taas ng tubig baha.

Sa central at western Myanmar, ang mga residente ay gumagamit na ng makeshift na bangka para makalabas sa kani-kanilang lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.Sa Kalay district sa Sagaing region, libu-libo na ang inilikas at ang ilan sa mga residente ay walang naisalba sa kanilang mga gamit, matapos lumubog sa tubig baha ang kanilang mga bahay. Ayon sa mga residente, binabaha na sila dati pero ngayon lamang nila naranasan ang matindining pagbaha.

Ayon sa United Nations, ang patuloy na paglaki ng ilog sa Myanmar ay banta pa rin marami pang residente.

Sa Pakistan naman, umabot na sa 116 ang nasawi. Ayon kay Ahmed Kamal, tagapagsalita ng National Disaster Management Agency, mahigit 850,000 na ang naapektuhan ng pagbaha.

Maliban sa Myanmar, India at Pakistan, apektado rin ng habagat ang ilang bahagi ng Nepal at Vietnam./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: flashflood hits India, Pakistan and Myanmar, flashflood hits India, Pakistan and Myanmar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.