Mayor Rolando Espinosa napatay sa loob ng kulungan
Patay na si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr.
Sinabi ni Albuera, Leyte Police Chief Juvy Espinido, nang-agaw umano ng baril si Espinosa kasama ang isa pang preso sa Baybay, Leyte Sub-Provincial Jail na si Raul Yap kaninang pasado alas-kwatro ng madaling-araw.
Ipinaliwanag pa ni Espinido na pumunta sa bilangguan ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para magsilbi ng warrant of arrest dahil sa kaso ng illegal possession of firearms.
Pero nanlaban umano ang mga biktima kaya napilitan ang mga pulis na sila ay barilin.
Tumanggi namang magbigay ng dagdag pa na impormasyon si Espinido sa pagsasabing ibang unit ng PNP ang gumawa ng operasyon.
Magugunitang hinuli at ikinulong sa Leyte Sub-Provincial Jail si Espinosa makaraan siyang mahulihan ng droga at mga baril kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.