“Bouncing check queen” sa QC at Caloocan, arestado ng CIDG
Arestado ang tinaguriang “bouncing check queen” ng Caloocan at Quezon City sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa Bagumbong, Caloocan.
Inaresto si Helen Bactol sa bisa ng patung-patong na warrant of arrest na inilabas ng iba’t ibang korte sa Pasig at Quezon City dahil sa mga nakabinbin na kasong kriminal kaugnay ng paglabag sa bouncing check law.
Ayon sa otoridad, modus ng suspek ang magbukas ng checking accounts gamit ang pangalan ng ibang tao at mangutang ng malalaking halaga sa iba’t ibang tao, bangko, at financial institutions na babayaran niya gamit ang talbog na tseke.
Iniimbestigahan ng CIDG kung may kinalaman ang suspek sa modus ng “rent-tangay” matapos makakuha ng impormasyon na si Bactol ay nagsasanla din ng mga sasakyang kanyang hinihiram o inaarkila.
Inaalam din ng CIDG kung ang suspek ay sangkot din sa sindikato na naglilipat ng mga pangalan ng mga titulo ng lupa sa Caloocan at Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.