Beterenaryo ng Bureau of Animal Industry, inaresto ng NBI dahil sa pangingikil

By Erwin Aguilon November 04, 2016 - 02:54 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Anti fraud division ng National Bureau of investigation ang isang inspector ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Bagbagin, Pandi, Bulacan.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang NBI matapos makatanggap ng reklamo mula sa may-ari ng Congo Charlie Exotic Reptile Jungle na si Jaime Lim, isang farm na nagbi-breed ng mga reptile mula sa iba’t ibang bansa.

Sa reklamo ni Lim, palaging pinapatagal ng naarestong si Dr. Angel Singson Jr. ang mga papeles nila upang magbigay sila ng pera.

Hinihingan umano siya nito ng pera na P10,000 kada transaksyon.

Noong Huwebes, November 3, nagtakda ng ispection ang suspek sa farm ni Lim, at doon na tumawag sa NBI ang negosyante at ikinasa ang entrapment operation Biyernes ng umaga.

Inaresto ang beterenaryo habang inaabot ang pera mula sa negosyante.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon laban sa kanya.

Sa ngayon nakakulong na sa NBI ang naarestong suspect at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa korte.

 

 

 

TAGS: BAI inspector arrested for extortion', BAI inspector arrested for extortion'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.