Umano’y pagdukot sa INC ministers, tuloy ang imbestigasyon ayon sa DOJ

August 04, 2015 - 07:31 AM

iglesia ni cristoHindi pa tapos ang imbestigasyon tungkol sa balitang pagdukot sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo ayon mismo kay Justice Secretary Leila de Lima.

“The investigation is still going on. The earlier reports, alluding to a purported statement from an NBI official that the case is closed, are wrong,” ayon kay de Lima.

Kasabay nito ay nilinaw din ni de Lima na walang kinalaman sa imbestigasyon ang opisyal ng National Bureau of Investigation na unang nagsabi na ‘case closed’ na ang naturang reklamo ng pagdukot ng mga ministro ng INC.

“First of all, that official is not involved in the investigation,” ani de Lima na ang pinatutungkulan ay si Atty. Manuel Eduarte, hepe ng NBI Anti-Organized Transnational Crime Division.

Si Eduarte ay unang nagsabi sa media na nagsagawa na siya at kanyang mga tauhan ng imbestigasyon sa INC national headquarters sa Diliman, Quezon City gayundin sa tahanan ni Cristina “Ka Tenny” Manalo, balo ni dating INC executive minister Eraño Manalo, at sa anak nitong si Angel na kilala sa tawag na “Ka Angel”.

Pinadidisiplina ni de Lima si Eduarte kay NBI Director Virgilio Mendez.

Ang krisis sa INC ay nalaman ng publiko noong ika-22 ng Hulyo sa pamamagitan ng video post sa YouTube ng mag-inang Cristina at Angel na nagsabing “nanganganib ang kanilang buhay” at nagbanggit sa mga umano’y “dinukot na mga ministro ng INC”.

Ang mag-ina kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay itiniwalag sa INC nung araw ding yun.

Isa sa mga ministro na sinasabing dinukot sa Sorsogon ngunit napiit pansamantala sa Cavite ay nagngangalang Lowell Menorca II. Lumabas na sa isang panayam sa telebisyon si Menorca para sabihing hindi totoong siya ay dinukot.

Ngunit ang kapatid nitong si Antony ay nagsalita din sa media at sinabing “hindi kusang loob” at “sapilitan” lamang alang-alang sa seguridad nito at ng pamilya niya kaya nagsabi ang kanyang nakatatandang kapatid na walang pagdukot na naganap.

Si Anthony ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program ng DOJ.

Ayon kay de Lima, kabilang sa sinisiyasat pa ng DOJ ay ang umano’y pagdukot na nangyari sa sampung iba pang ministro ng INC na naging kritikal sa konseho ng naturang sekta ng relihiyon./Gina Salcedo

TAGS: doj investigates inc, inc investigtion, doj investigates inc, inc investigtion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.