LPA binabantayan ng PAGASA sa N. Samar; Tropical Storm sa labas ng bansa lumiit ang tsansa na pumasok sa PAR
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa bahagi ng Northern Samar.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 95 kilometer East ng Catarman, Northern Samar.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone na nakaka-apekto sa halos buong bansa.
Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at posibleng humina rin matapos makatawid sa Samar sa susunod na 24-oras.
Samantala, dahil sa pagbagal, lumiit ang tsansa na pumasok sa bansa ang Tropical Storm na may international name na Meari.
Sa 4AM update ng PAGASA, ang nasabing bagyo ay huling namataan sa 1,520 kilometer east ng Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong 80 kilometers bawat oras.
Sinabi ng PAGASA na sa susunod na dalawang araw, hindi pa inaasahang papasok sa bansa ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.