‘Water crisis’ sa Metro Manila, hindi mangyayari-MWSS
Iginiit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na walang posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila sa mga susunod na taon.
Ayon kay Atty. Nathaniel Santos, Senior deputy Administrator ng MWSS, hindi nila ikinokonsidera ang umanoy’ water crisis dahil sa nakalatag na ‘master plan’ para sa long-term and short-term demand dito.
Bilang pangunahing pinagmumulan ng suplay ng tubig, kinumpirma ni Santos ang pagsisimula ng Angat Water Transmission Improvement project kung saan magkakaroon ng karagdagang tunnels mula sa Angat hanggang Umiray River.
Maliban dito, pinoproseso na din ang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa General Nakar, Quezon Province matapos maaprubahan ito ng National
Economic and Development Authority o NEDA at aasahan ang pagkakaroon ng karadagang anim na raang mliyong litro ng tubig.
Pag-amin ni Santos, hindi nasunod ang nakatakdang panahon ng paggagawa nito ngayong taon na naurong sa 2018.
Kung sakaling hindi umabot sa 2020 ang nasabing proyekto, patuloy na magkakaroon ng update sa demand projection nito.
Bilang agarang aksyon naman sa suplay, aprubado na din ng NEDA ang dagdag na tig-100 MLD sa Maynilad at Manila Waters.
Sa kabila nito, pinaalalahanan ng MWSS na maging ang publiko ay maaring makatulong sa pag-iwas sa water crisis kung gagamitin nang maayos ang pagkonsumo ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.