Mahigit dalawang daang manggagawa naregular sa Bicol
Aabot sa halos tatlong daang mga manggagawa mula sa Bicol Region ang naregular sa trabaho kaugnay sa kampanya ng pamahalaan laban sa endo o kontraktwalisasyon.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), pinakahuling naregular ay ang 285 contractual workers mula sa 24 na mga kumpanya sa Bicol Region.
Sinabi ni DOLE-Bicol officer-in-charge, Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, kasama sa mga nag-regular ng mga manggagawa ay ang mga tinatawag na principal o ‘yung mismong negosyo o establisimyento na kumuha sa serbisyo ng mga manpower agency.
Karamihan sa mga manggagawa na ginawang regular ay mula sa mga shopping mall, restaurant, manufacturing, distribution, electric cooperative at maging sa mga ahensya ng gobyerno.
Ikinatuwa naman ng DOLE ang boluntaryong pagpapasya ng mga employer na gawing regular ang kanilang mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.