Ayuda ng US sa ilang programa ng PNP, posibleng maudlot

By Kabie Aenlle November 03, 2016 - 04:51 AM

PNP patrolMaaring maudlot ang naipangakong pagbibigay ng Estados Unidos ng pondo sa dalawang programa para sa Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng $41 million.

Ayon sa Human Rights Watch (HRW), ito ang posibleng maging resulta ng madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Sa inilabas na pahayag ng HRW, kabilang dito ang $9 milyong ayuda ng US sa PNP para sa kanilang mga programa kontra droga at law enforcement, pati na ang $32 milyong halaga ng tulong na ipinangako ni US Secretary of State John Kerry.

Paliwanag ni HRW Asia Division Deputy Director Phelim Kline, ito ang mangyayari kung hindi hihinto ang madugong solusyon ng pamahalaan sa problema ng droga.

Lalo na aniya ngayong inanunsyo ng pamahalaan ng Amerika na isinasailalim nila sa mabusising pagsisiyasat ang $32 milyong halaga ng ayuda para sa pagsusulong ng karapatang pantao at seguridad.

Ayon kay Kline, tiyak na may malaking epekto ang ganitong diskarte nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa matagal nang ugnayan ng Pilipinas sa US.

Ayon naman kay US Embassy Press Attache at First Secretary Molly Koscina, pinaguusapan na ng dalwang bansa kung paano gagamitin ang nasabing donasyon ni Kerry.

Kailangan aniyang magkasundo ang magkabilang panig sa kung saan ito gagamitin, dahil kung hindi, ilalaan na lamang ito sa ibang bansa at hindi na sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.