3 Saudi national, inaresto dahil sa shoplifting

By Jay Dones November 03, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Tatlong kabataang taga-Saudi Arabia ang dinampot ng security personnel ng isang supermarket sa Quezon City makaraang mahuli ang mga itong nagnanakaw umano ng mga items nang hindi binabayaran, Miyerkules.

Nakilala ang mga dayuhan na sina William al-Enzi, 21; Abdulaziz Barnawi, 20 at Ammar Hamood, 20, mga college student at residente ng Bgy. Valencia sa Quezon City.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, hinarang ang tatlo ng mga security personnel ng Savemore Supermarket sa Broadway Avenue,Cubao matapos madiskubre ang ilang items sa kanilang gamit na tinangkang ipuslit ng mga ito nang hindi binabayaran.

Una rito, namataan ng isang roving personnel ng tindahan ang apat na inilagay sa kanilang bitbit na backpack ang isang toothpaste, deodorant, at dalawang car freshener na nagkakahalaga ng P500.

Nang papalabas na ang mga ito, dito na sila hinarang ng security.

At nang walang maipakitang resibo sa mga kinuhang items, dito na sila dinala sa himpilan ng pulisya.

Wala namang maibigay na dahilan ang mga dayuhan sa dahilan ng kanilang ginawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.