Sub-machine gun, at iba pang armas, nasabat sa panibagong Bilibid raid

By Kabie Aenlle November 03, 2016 - 01:42 AM

 

bilibid raidSub-machine gun, at mga hand guns.

Ito ang mga nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pinakahuling raid na isinagawa sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon.

Nakumpiska ang isang submachine gun na inilagay pa sa baunan mula sa isang dormitoryo, habang nakuha naman ang 9mm na pistol sa kabila pang dormitoryo.

Bukod dito ay nakuha rin ng otoridad ang dalawang cal. .45 pistol na nakatago pa sa kisame ng NBP Hospital.

Nabahala naman si BuCor director Rolando Asuncion dahil maraming sibilyan sa nasabing lugar, at posibleng gamitin ang mga baril na nakatago sa ospital sa pangho-hostage.

Iginiit naman ni Asuncion na ang kakulangan sa mga tauhan ang dahilan kung bakit imposible para sa kanila na mabantayan ang buong pasilidad.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng firearms and explosives office at ng crime lab ang mga kontrabandong nasabat sa Bilibid.

Samantala nanawagan naman si Asuncion na i-isolate na ang mga high profile inmates na sina Amin Boratong, Jesus Balais at Andy Lee upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Dapat na rin aniyang ibalik sina Vicente Sy at Peter Co sa Building 14 mula sa NBP Hospital kung saan sila dinala matapos mabigyang lunas sa Medical Center sa Muntinlupa dahil sa mga sugat na natamo sa riot noong Setyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.