Pres. Duterte nagmura na naman, Amerika muling binanatan

By Chona Yu November 03, 2016 - 04:25 AM

 

Screengrab RTVM

Hindi na naman nakapagpigil si  Pangulong Rodrigo Duterte at nagpakawala na naman ng malulutong na mura sa Amerika.

Ito’y dahil pati ang kanyang anti-drugs campaign aniya ay idinadahilan ng Amerika para hindi matuloy ang pagbili ng armas.

Tatlong beses na minura ng pangulo ang Amerika sa kanyang talumpati sa Sual, Pangasinan sa send-off ng labimpitong fishermen na nahuli dahil sa illegal poaching.

Ayon sa pangulo, maari namang bumili ng armas ang Pilipinas sa Russia, China at iba pang bansa.

Ayon sa pangulo, pambabastos ang ginagawa ng Amerika sa Pilipinas kung kaya nakapagmura na naman siya.

Matatandaang matapos ang official visit ng pangulo sa Japan, sinabi nito na binulungan siya ng Panginoon kaya’t nangako na siya na hindi na muling magmumura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.