Publiko hinimok ng DSWD na ilantad ang katiwalian sa pamimigay ng mga relief goods

By Alvin Barcelona November 02, 2016 - 03:26 PM

Relief goods
Inquirer file photo

Muling hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasalanta ng bagyong Lawin na isumbong sa kanila ang mga nakita o naranasan nitong iregularidad sa pamamahagi ng mga relief goods.

Ginawa ni DSWD Secretary Judy M. Taguiwalo ang panawagan makaraang makarating sa kanya ang mga ulat tungkol sa atrasadong pagdating at mga tampered o pinaki-alaman na relief packs.

Ayon kay Taguiwalo, mahalaga aniya na ipaalam ang anumang iregularidad sa kanilang mga field offices para malaman nila kung paano pinatatakbo ng mga lokal na gobyerno ang kanilang programa.

Maaari aniyang ipadaan ang anumang iregularidad sa kanilang relief programs sa mga sumusunod na numero;

DSWD-CAR – (074) 442 3946; (074) 446 5961; 09060941064; 09491417232
DSWD-Region I – (072) 8882505; 09399586757
DSWD-Region II – 09177710966
DSWD-Region III – 09088814109

Dagdag pa ng kalihim, hindi mangyayari ang pagbabagong gusto ng lahat kung hindi kikilos ang bawat isa.

TAGS: dswd, relief goods, taguiwalo, dswd, relief goods, taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.