Tumungo na rin sa China si Malaysian Prime Minister Najib Razak para sa isang linggong official trip para magsara ng ilang mga kasunduang magpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa.
Lumagda na ang Malaysia at China sa isang defense deal at nagkasundong mas paigtingin ang kooperasyon sa South China Sea.
Ito’y matapos mabahiran ang ugnayan ng Malaysia at ng Amerika dahil sa isang corruption scandal.
Sinaksihan ni Najib at ni Chinese Prime Minister Li Keqiang ang lagdaan ng siyam na kasunduan na umiikot sa mga larangan ng defense, negosyo, at iba pa.
Umaasa si Najib na ang kaniyang pagbisita sa China ay mas makakapagpabuti sa ugnayan ng Malaysia at ng China.
Ayon kay Chinese vice foreign minister Liu Zhenmin, nakatuon ang dalawa sa naval cooperation, at ang kasunduang ito ay hudyat ng isang malaking kaganapan sa ugnayan ng dalawang bansa.
Tulad ng Pilipinas, may namamagitan rin sa Malaysia at China na agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.