Duterte bibisita sa Malaysia, isyu ng piracy at kidnapping tatalakayin

By Jay Dones November 02, 2016 - 04:34 AM

 

duterte razakLalabas muli ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang  byahe nito sa bansang Japan at China.

Kinumpirma ng pangulo na pupunta naman ito sa Malaysia at makikipagkita kay Malaysian Prime Minister Najib Razak upang pag-usapan ang problema sa serye ng mga kidnapping at piracy na nangyayari sa Malacca Strait.

Mahalaga aniya na mahinto na ang naturang problema dahil apektado na ang komersyo at seguridad sa lugar.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag matapo ang pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City, inamin din ng pangulo na kanyang ikinahihiya na ang nagsisilbing takbuhan at kuta ng mga rebelde at bandido ay ang lalawigan ng Sulu, na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Si Pangulong Duterte ay nakatakdang magtungo sa Malaysia sa November 9 at 10.

Bibisita rin si Pangulong Duterte sa Thailand upang magpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ng kanilang hari kamakailan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.