Presidente Duterte, dadalaw sa puntod ng mga magulang ngayong All Saint’s Day
Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City ngayong araw, (November 01).
Ito ang inihayag ni Christopher “Bong” Go, Special Assistant to the President.
Madalas na pumupunta si Duterte sa libingan ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery tuwing Undas, death anniversary at kanilang kaarawan.
Ang ama ng Punong Ehekutibo ay si Vicente Duterte, na isang Cebuano lawyer, habang ang kanyang ina ay si Soledad Roa.
Nauna nang hiniling ng Presidente ang isang mataimtim na paggunita sa Undas.
Nagpahatid din ito ng mensahe sa mga manggagawa sa gobyerno at sa publiko na ipagpatuloy ang layunin ng lahat tungo sa tunay na pagbabago para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.