Tatlong Pinoy, tatlong Koreano, arestado sa Makati dahil sa droga
Arestado ang anim na indibidwal, kabilang ang tatlong South Koreans, sa isang condominium sa Rockwell, Makati City dahil sa iligal na droga.
Inihain ng Quezon City Police District ang search warrant kina Isaac Bang Kho Laem, Lee Jin Taek, Kathlyn Nonato, Arby Diaz, at isang Soriano.
Nasabat sa condominium unit ng mga suspek ang mahigit dalawang daan at limampung gramo ng shabu, drug paraphernalia at .22 revolver.
Ayon sa pulisya, isa sa mga dayuhan ang nagpakilalang miyembro ng National Intelligence Service ng South Korea.
Kinukumpirma pa ng mga otoridad ang pahayag na ito.
Ayon sa mga suspek, nakapagpuslit sila sa bansa ng hindi bababa sa 100 gramo ng shabu kada buwan.
Ang operasyon ng mga suspek ay karaniwang sa Makati City at Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.