Publiko binalaan ng CBCP sa mga pekeng pari sa mga sementeryo

By Den Macaranas October 31, 2016 - 04:35 PM

Cemetery
Photo: Chona Yu

Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng pari na nagkalat ngayon sa mga sementeryo para mag-alay ng panalangin sa mga namatay kapalit ng pera.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Father Francis Lucas, Executive Secretary ng Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media (ECSCMM) na hindi otorisado ng simbahang katolika ang mga ganitong gawain.

“Imbes na maghanap kayo ng mga pari, pwede namang ang buong mag-anak ng namayapa na lamang ang mag-dasal para sa kanilang namayapang mahal sa buhay”, paliwanag ni Lucas.

Dagdag pa ni Lucas, “sa totoo lang mas pormal pa nga silang tingnan kesa sa amin kaya mag-ingat po kayo sa mga pekeng pari dahil taun taon po nilang ginagawa ito sa mga sementeryo”.

Nilinaw din ng nasabing opisyal ng simbahang katolika na hindi nila kinukondena ang mga Halloween party pero kanyang sinabi na mag-ingat sa mga ganitong gawain dahil nag-iimbita ito ng mga negatibong ispiritu.

Hindi rin umano itinuturo ng simbahan ang ganitong mga gawain at nagmula ito sa paniniwalang pagano.

TAGS: CBCP, father francis lucas, pari, Undas, CBCP, father francis lucas, pari, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.