Walang sugatang Pilipino sa 6.6 magnitude na lindol sa Italy – DFA

By Isa Avendaño-Umali, Rohanisa Abbas October 31, 2016 - 12:40 PM

central italy quake1Walang Pilipino na nasugatan sa 6.6 magnitude na lindol na tumama sa central at southern Italy kahapon (October 30).

Ayon kay Department of Foreign Affairs o DFA spokesperson Charles Jose, batay sa report ng Philippine embassy sa Rome ay walang Filipino casualties sa itinuturing ngayon bilang pinaka-malakas na lindol sa Italya sa nakalipas na tatlumpu’t anim na taon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Jose na patuloy na imo-monitor ng embahada ang sitwasyon ng mga Pinoy sa naturang bansa.

Umapela rin ang DFA sa mga Pinoy sa Italy na maging alerto sa posibleng aftershocks at iba pang maaaring idulot ng lindol.

Kaugnay nito, inilikas ang mahigit tatlumpung Pilipino mula sa Norcia, Italy matapos ang lindol.

Ayon sa opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration, pansamantalang manunuluyan ang mga ito sa Rome, Italy sa isang religious guest house.

Wala namang lubhang nasugatan sa grupo, ayon kay Vhic Ramos, Filipino community leader.

Ang 6.6 magnitude na lindol na yumanig sa Italy kahapon ay ang ikatlong tremor na tumama sa bansa sa loob lamang ng dalawang buwan.

Noong Agosto, magugunitang nagkaroon ng 6.2 magnitude na lindol doon na kumitil sa buhay ng aabot sa tatlong daang indibidwal.

TAGS: Italy quake, Italy quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.