Nakaambang tumaas ang halaga ng liquefied petroleum gas o LPG, anumang araw ngayong linggo.
Batay sa oil industry, aabot sa P2.00 hanggang P2.50 kada kilo ang dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG.
Ito ay katumbas ng P22.00 hanggang P27.50 sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.
Samantala, mayroon na namang price adjustment sa ilang produktong petrolyo.
5 hanggang 10 centavos ang maaaring itaas sa kada litro ng gasolina, habang 0 hanggang 5 centavos sa bawat litro ng diesel.
Sa ngayon ay wala pang pormal na anunsyo ang mga kumpanya ng langis hinggil sa panibagong oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.