Sylvester Stallone, binisita si Pacquiao sa Wild Card Gym
Bilib na bilib si hollywood star Sylvester Stallone matapos manood sa six-round sparring ni Filipino ring icon Manny Pacquiao kontra kay Rey Beltran sa Wild Card Gym sa Los Angles, California, USA.
Ayon kay Stallone, si Pacquiao ang pinakamagaling na boksingero sa huling animnapu o pitumpung taon.
Pabiro pang sinabi ng hollywood star na mas magaling pa si Pacman maging kay Rocky Balboa, isang karakter na ginampanan nito sa ilang pelikula noong 1970s.
Sa ngayon, nasa final stretches na si Pacquiao sa kanyang training para sa November 5 fight kontra American boxer Jessie Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.