Domestic Ladder’ ang natagpuan sa Reunion Island

August 03, 2015 - 09:46 AM

AP photo
AP photo

SAINT-ANDRÉ, France–Hindi bahagi ng eroplano ang panibagong mga metallic debris na nakita ng mga otoridad sa La Reunion Island kahapon, Linggo.

Ayon kay Malaysian Director General of Civil Aviation Azharuddin Abdul Rahman na ngayon ay nasa France, ang pinaniniwalaang pintuan ng eroplano na natagpuan noong Linggo ay natuklasang bahagi lang ng ‘domestic ladder’.

Maliban sa pakpak ng isang Boeing 777 na nakita noong nakaraang Miyerkules na pinaniniwalaang bahagi ng nawawalang MH 370, wala pang nakikitang panibagong debris ng eroplano ang mga otoridad.Ginagalugad pa rin ngayon ang pampang ng La Reunion Island at lahat ng nakikitang debris ay ibinibigay sa pulisya.

Maliban sa metallic debris na napagkamalang pintuan, may nakita ring isang bagay na mayroong naka-engraved na Chinese characters. Posible umanong takure ang natagpuang bagay.

Ayon kay Jean-Yves Sambimanan, tagapagsalita ng Saint-Andre town, matapos ang pagkakatuklas sa pakpak ng eroplano noong Miyerkules mas naging mapagmatyag ang publiko at lahat ng nakikita nilang metallic object sa pampang ay inaakala nilang bahagi ng eroplano.

“People are more vigilant. They are going to think any metallic object they find on the beach is from flight MH370, but there are objects all along the coast, the ocean continually throws them up,” ayon kay Sambimanan.

Mistulang nagiging ‘treasure hunting’ na nga umano ang sitwasyon sa nasabing bayan at halos lahat ng mga residente doon ay desperadong makatuklas ng pinaniniwalaang bahagi ng MH370 na labing-anim na buwan nang nawawala.

Ang pakpak na natagpuan ay kumpirmado nang bahagi ng isang Boeing 777. Dahil dito, lumakas ang hinalang ito ay bahagi ng MH 370 dahil tanging ang nasabing flight lang ang Boeing 777 na nawawala sa ngayon./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: La Reunion Island France, MH 370, La Reunion Island France, MH 370

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.