Ex-President Aquino, kinontra ang foreign policy ni Pang. Duterte
Kinontra ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ni Aquino sa kanyang pagbisita sa Thai Embassy para magpa-abot ng pakikiramay sa namayapang Thai King Bhumibol Adulyadej.
Ayon kay Aquino mahalagang magkaroon ng matibay na ugnayan ang Pilipinas partikular sa Estados Unidos.
Aniya, may common ground at common values ang Pilipinas at Amerika.
Tinukoy din ng dating presidente ang strategic partnership gaya sa Amerika at Japan.
Hindi na rin aniya bago ang desisyon ni Duterte na magkaroon ng independent foreign policy na ginawa na rin umano niya noon.
Gayunman, inalala daw niya ang kapakanan ng nakararaming mga Pilipino at maging ng interes ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.