150 pamilya na nasunugan ng bahay sa Muntinglupa, pansamantalang nasa covered court
Ilang oras lang matapos maapula ang sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Bunyi Compound Barangay Cupang, agad na sinaklolohan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang 150 pamilya na nasunugan.
Sinabi ni Tess Valencia, ang tagapagsalita ng pamahalaang panglungsod, pinakupkop ni Fresnedi ang mga biktima sa covered court ng katabing Liberty homes.
Doon ay binigyan sila ng tig-isang sako ng bigas ni Fresnedi gayundin ng ilang gamit pangluto at mga gamit pangbahay.
Ang mga senior citizens naman ay may karagdagang mga ayuda gaya ng banig, gatas at mga gamot.
Ang libreng pagkain para din sa mga biktima ay magtatagal ng isang linggo at nangako din si Fresnedi ng tulong-pinansiyal sa lahat para sa pagpapatayo ng kanilang bagong tirahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.