Problema sa pamimirata, tatalakayin sa Malaysia visit ni Pangulong Duterte
Kumpirmadong bibista si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia upang makumpleto ang kaniyang Asian tour.
Ayon sa pangulo, tatalakayin sa nasabing official visit ang isyu tungkol sa pamimirata.
Samantala, inanunsiyo naman ng Malacañang noong Biyernes, October 28 na naisara ni Duterte ang kabuuang $1.8 billion na business-to-business deals sa Japan.
Ani ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi ito makokonsidera bilang government contracts kundi private-to-private deals.
Pumira rin si Finance Secretary Carlos Dominguez ng P6.4 billion na loan agreement sa Japan para sa pagbili ng mga coast guard vessel bilang dagdag-bantay sa paligid ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Dominguez, gagamitin ang mga nasabing coast guard vessel laban sa iligal na pangingisda.
Sa naging trip nito sa Brunei, nagkaroon ng kasunduan sa joint air patrols upang labanan ang terorismo at pirate sa mga isla ng Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
Kamakailan, matatandaang nagkasundo sa joint air patrols ang Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas upang labanan sa terorismo, seguridad at pirata sa mga nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.