Palasyo: Mangingisdang Pilipino, hindi na pinipigilan ng China na mangisda sa Panatag

By Kabie Aenlle October 29, 2016 - 05:26 AM

ScarboroughInanunsyo ng Palasyo ng Malacañang na hindi na pinipigilan ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Pilipino na mangisda sa Panatag Shoal, na kilala rin sa tawag na Scarborough Shoal.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, tatlong araw na nilang naobserbahan na wala nang mga barko ng Chinese Coast Guard na humaharang sa mga Pilipinong mangingisda.

Dahil dito, mas malaya na aniyang nakakapangisda ang mga Pilipino sa Panatag.

Gayunman, tumanggi naman si Abella na pangalanan ang kaniyang source, at sinabing sa ngayon ay iyon pa lamang ang kaniyang maibibigay na impormasyon.

Matatandaang sa kaniyang talumpati sa pagtungo niya sa mga nasalanta ng bagyong Lawin sa Cagayan at Isabela, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na natalakay niya ang usapin sa Panatag kasama ang mga opisyal ng China sa kaniyang state visit doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.